fbpx

Guanzon Shortlisted for Deputy Ombudsman for the Visayas Post

MANILA, Philippines — Naka-shortlist na para sa posisyon ng Deputy Ombudsman for the Visayas si Retiradong Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.

Isa si Guanzon sa tatlong pangalan na inendorso ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 17, 2021, para sa posisyon.

Bukod kay Guanzon, kasama sa shortlist sina Beda Angeles Epres at Dante Flores Vargas.

Kung sino ang mapipili ay papalit kay Deputy Ombudsman for the Visayas Paul Elmer Clemente na natapos ang termino ng panunungkulan noong Nobyembre 6, 2021.

Hindi Pilipino makikinabang? Robredo gets tongue tied in interview with Boy  Abunda

Wala pang inanunsyo ang Malacañang ng papalit kay Clemente.

Kinumpirma ni Guanzon na siya ay shortlisted para sa posisyon sa isang panayam sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).

Ang retiradong komisyoner ay naging matunog kamakailan sa mga headline matapos ibunyag ang isang umano’y panghihimasok sa mga kaso ng disqualification laban kay Ferdinand Marcos Jr., na tumatakbo bilang pangulo sa halalan sa Mayo.