fbpx

Marcos says Sara Duterte Wants the Job of Defense Chief

MANILA, Philippines — Sinabi ni Presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes na nais ng kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na pamunuan ang Department of National Defense (DND) sakaling masungkit nila ang tagumpay sa May 2022 elections.

Marcos: Sara Duterte wants to be Defense chief

Inamin ni Marcos Jr. na nagulat siya nang sabihin sa kanya ni Duterte-Carpio na gusto niyang magsilbi sa kanyang Gabinete bilang Defense Secretary. Gayunpaman, sa tingin niya ito ay isang magandang ideya.

“It seems like it’s going to be a good idea dahil tama rin ‘yung kanyang sinasabi. Sabi niya ‘’Yung problem of security, problem of terrorism, kami sa Davao biktima kami lahat diyan at marami na kaming mga programa na ginagawa na nakatulong,” ayon kay Bongbong.

Inilarawan ni Marcos ang alkalde ng Davao City bilang isang “napakatalino na tao,” at idinagdag na ang kanyang mga ideya ay “magiging mahalaga.”

Breaking up is easy to do for Marcos and Duterte - Asia Times

Sinabi ni Duterte na isusulong niya ang mandatoryong serbisyo militar para sa lahat ng Pilipinong 18 taong gulang pataas sakaling manalo siya bilang susunod na bise presidente.

Sakaling manalo siya bilang susunod na pangulo ng bansa, sinabi ni Marcos Jr. na pipili lamang siya ng pinakamahuhusay na indibidwal para sa bawat posisyon sa kanyang Gabinete at mga kredensyal lamang ang magiging batayan niya.

Sinabi ni Marcos na wala siyang nakikitang pag-aalinlangan sa pagbibigay ng mga posisyon sa Gabinete sa oposisyon basta’t sila ay eksperto at pinakamagaling sa kani-kanilang industriya at handang makipagtulungan sa kanyang administrasyon.