Two former government officials expressed belief that the Marcoses’ return to Malacañang could spell the end of the cases against them as they rehabilitate their name by revising history.
Nagbabala si dating Supreme Court (SC) senior associate justice Antonio Carpio na mahigit P300 bilyon ang ill-gotten wealth at hindi nababayarang buwis ay hindi na mababawi kung mananalo sa presidential elections ngayong taon si dating senador Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang virtual forum noong Huwebes, Enero 13, sinabi ni Carpio na nililitis pa rin ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang mga kaso na kinasasangkutan ng ill-gotten wealth noong panahon ng rehimeng Marcos na nagkakahalaga ng P125 bilyon. Ito ay higit pa sa P176 bilyong nabawi mula sa mga Marcos at kanilang mga tauhan, kabilang ang $658 milyon na nakatago sa mga bangko sa Switzerland.
Binanggit din ni Carpio ang hindi nabayarang buwis ng pamilya Marcos, na aniya ay umaabot na sa P203 bilyon dahil sa mga interes at multa.
Ngunit kung mananalo si Marcos sa pagkapangulo, sinabi ni Carpio na hindi na niya inaasahan na ang tax liability ay kokolektahin ng gobyerno.
Sa forum, tinutulan din ng dating hustisya ang mga pagsisikap na baluktutin ang kasaysayan ng mga nagsasabing walang ill-gotten wealth noong rehimeng Marcos.
Binanggit ni Carpio ang desisyon ng SC sa Swiss bank accounts, na nag-forfeit pabor sa gobyerno ng Pilipinas ng humigit-kumulang $658 milyon mula sa mga lihim na account ng mga Marcos.