fbpx

Nazi Comparison? Dahil Hindi Nag-DDS Fist, Vico, Nakumpara sa Isang Tao Mula sa Nazi Germany

Muling naipakita ni Mayor Vico Sotto ang kanyang pagiging hindi sunud-sunuran.

Sa relaunching ng Pasig Ferry Lunes ng umaga, nagkasama-sama sila Pasig Mayor Vico Sotto, Manila Mayor Isko Moreno at ang mga bigating kaalyado ni Pangulong Duterte.

Napansin agad ng mga netizens ang isang larawang inilabas ng Philippine Star kung saan makikita na naka DDS-Fist ang lahat ng mga pulitiko maliban kay Mayor Vico.

Hindi Takot Mapag-initan

Hindi lingid sa karamihan na mahirap maging mainit sa mata ng kasalukuyang administrasyon lalo na kung ikaw ay isang opisyales.

Ayon sa ilang sources, ang simpleng hindi pagpapakita ng DDS Fist sign ay pwedeng maging mitsa ng masamang pagtingin sa iyo ng mga makakapangyarihan sa administrasyon.

Kaya naging big deal ang pagtanggi ni Mayor Vico Sotto na mag DDS Fist.

Agad naman itong umani ng puri sa mga netizens.

Hindi naman nakaligtas ang pag DDS Fist ni Yorme Isko Moreno sa ilang mga netizens.

May ibang netizens naman ang nagkumpara kay Mayor Vico Sotto sa isang tao na nabuhay sa Nazi Germany na nagngangalang August Landmesser. Sumikat si Landmesser ng lumabas ang kanyang larawan kung saan nakita ang kanyang pagtanggi na magbigay ng Nazi Salute habang bigay todo sa pagsaludo ang kanyang mga kasama.

Sa Nazi Germany, maaari mong ikamatay ang simpleng hindi pagbigay ng Nazi Salute.

File:August-Landmesser-Almanya-1936.jpg

Ilang Vico Sotto pa ba ang kailangan natin sa Gobyerno para tayo ay magising?