fbpx

VP Leni, Pipiliting Tanggalin Nina Duterte Bago Mag-2022

MANILA, Philippines — Desperado na talaga ang administrasyong Duterte na patalsikin si Vice-President Leni Robredo bago pa man matapos ang taong 2022.

Maraming mga paninira at propaganda ang ginagawa ng kampo nina Duterte para sirain ang pangalan ni VP Leni. Isa na nga sa mga garapalang pakulo ni Pangulong Duterte ang talunang si Bongbong Marcos.

Matatandaan na minsan nang sinabi ng Pangulo na handa siyang bumaba sa puwesto kung si BBM ang papalit sa kaniya sa pagka-pangulo. Kaya naman pala ayaw pa rin paawat sa pagprotesta itong si BBM kahit malinaw na malinaw na ang pagkatalo nito noong 2016 elections at sa 2019 recount (na siya rin ang may pakana).

READ MORE: VP Leni, Nanguna sa mga Presidential Surveys na Ginawa ng mga Duterte at Marcos Supporters

Pero kahit isinasampal na sa mukha ni BBM na talunan siya ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagiging desperado. Mukhang gusto yatang makapasok sa Guinness World Records para sa may “pinakamaraming talo sa vice-presidential elections.”

Sa kabilang banda, nitong mga nakaraang buwan nga ng 2020 ay bigla naman lumitaw ang pangalan ni Solicitor General Jose Calida.

Umugong ang pangalan ni Calida ngayong taon dahil siya lang naman ang isa sa mga tirador at dahilan kung bakit naipasara ang ABS-CBN. Nangialam ito nang nangialam sa franchise renewal issue ng media giant dahil alam niya na mortal enemy ng bestfriend niyang si Digong ang network.

READ MORE: Matapos Magboomerang Kay Duterte: DDS Trolls, Pinipilit na Idinadawit si VP Leni sa Pagpapasara ng ABS-CBN

Mapapansin din na laging nakakabit ang pangalang Calida sa electoral protest ni BBM. Imbis kasi na maging People’s Tribune si Calida ay inuuna nito ang pansariling interes at pagsipsip bilang Marcoses’ Tribune. Magkano kaya ang binayad dito para mag-effort sa pangingialam sa protesta ni BBM laban kay VP Leni?

Habang papalapit ang 2022 ay mas lalong nagiging garapal ang mga atake ng Duterte-Marcos bogus tandem laban sa toong Bise-Presidente. Mukhang mas interesado pa sila matanggal ito sa puwesto kaysa solusyonan ang mga problema ng bayan.

READ MORE: Kompensasyon Para sa Libo-libong Biktima ng mga Marcos, Isinusulong