fbpx

Prime Minister Abe, Magreresign Dahil sa Karamdaman.

TOKYO, Japan – Nakatakdang magresign si Japan Prime Minister Shinzo Abe dahil sa karamdaman.

Ito ang inireport ng National Broadcaster ng Japan ngayong Biyernes, August 28, 2020.

Si Prime Minister Abe ay nagsilbi ng walong taon bilang prime minister ng Japan – isang record bilang pinakamatagal na termino sa lahat ng naging Prime Ministers ng Japan.

Sa ngayon, nakatakdang mag-appoint ang governing Liberal Democratic Party ng Japan ng interim leader hanggang makapag eleksiyon ang nasabing partido.

READ MORE: Duterte, Kasalukuyang Nasa “Perpetual Isolation”

Ilang linggo nang madalang magpakita

Kumalat ang spekulasyon ukol sa kalusugan ni Abe nang ilang linggo na syang madalang magpakita. Dumagdag pa nang dalawang beses syang maospital.

Naging transparent at honest ang Japanese Government sa pagsasapubliko ng estado ng kalusugan ni Abe.

READ MORE: Revolutionary Government, Minamadali. Estado ng Kalusugan ni Duterte, Ayaw Pa Din Ilabas.