MANILA, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media ang lumabas na balita na nagbayad umano ang PhilHealth sa Philippine Red Cross ng tumataginting na P700 million para sa kanilang mga ginawang COVID tests sa bansa.
READ MORE: Gordon, PH Red Cross, Kasali sa Kumubra sa PhilHealth IRM Funds – Whistleblower
Kinumpirma mismo ang balanseng ito ng Philippine Red Cross President na si Sen. Dick Gordon. Ayon sa kanya, nagkaroon ng P700 million na utang ang PhilHealth sa Philippine Red Cross mula sa mga COVID tests na ginawa nito.
READ MORE: Nobody’s Perfect: Dick, Pinagtanggol si Duque. “Pasaway” na mga Pilipino, Sinisi.
Ngunit tanong ng mga netizens, bakit kailangan singilin pa ng Philippine Red Cross ang mga ordinaryong pinoy kung galing naman pala sa pondo ng PhilHealth ang CAPEX na pinambili ng mga equipment nila?
Ayon mismo sa Facebook Page ng Philippine Red Cross, kung gusto mo magpa-swab test sa kanila, kailangan mo magbayad ng P4,000.
READ MORE: Dick, Nagsarili. Naglabas ng PhilHealth Report Nang Hindi Pinakita sa Ibang Senador – Lacson