fbpx

‘Ninong Duque’, Sangkot sa ‘Ghost Dialysis’ ng PhilHealth

MANILA, Philippines – Bawat miyembro ng Philhealth ay entitled sa 90 free dialysis sessions kada taon. Nadiskubre na kahit namatay na ang pasyente ay tuloy-tuloy pa din ang pagbabayad ng gobyerno sa dialysis fees sa isang kumapanya na supplier nito.

Ang pangalan ng kumpanya ay ang WellMed Dialysis & Laboratory Center Corp. (WellMed) sa Quirino Highway, Quezon City.

READ MORE: Drug Company nila Duque, Sumahod ng mga Kontrata sa Duterte Admin Kahit Pinasara na ng FDA Noong 2015

Patuloy umano ang pagsingil ng nasabing kumpanya kahit patay na ang mga dialysis patients.

Ayon sa whistleblower na si Edwin Roberto na dating empleyado ng WellMed, ito ay ang ghost dialysis scheme kung saan walang pagcheck na ginagawa ang PhilHealth sa mga dialysis na binabayaran nila.

Nireport sa PhilHealth ngunit walang aksyon

Isinumbong umano nila Roberto sa PhilHealth ang anomalya ng WellMed. Kasama nito ang pagsumite ng mga ebidensya tulad ng listahan ng mga pangalan ng mga miyembro na ginamit ng nasabing kumpanya.

Ngunit inupuan lang umano ito ng PhilHealth habang patuloy silang hinarass ng WellMed.

READ MORE: Mga Ospital, Sa Private Donations Pa Rin Umaasa. Trilyong Pondo ni Duterte, Hindi Ramdam.

Pineke ang pirma ng mga patay na beneficiaries

Ayon kay Roberto, nagsimula ang filing ng questionable claims noong March 2016 base sa utos ng mga may-ari ng WellMed.

Pineke umano nila ang mga pirma ng mga patay na beneficiaries upang makafile ng claim at bayaran ng PhlHealth.

Mas naging garapal ang kalokohang ito nang maupo bilang Pangulo si Duterte at maging DOH Secretary si Duque.

“Ninong Duque”

Ngunit bakit malakas ang loob ng WellMed?

Matapos sumabog ang issue, tumawag ang ama ama ng isa sa mga may-ari ng WellMed. Ang tinawagan? Si Francisco Duque III.

Si Duque ay ninong ng may-ari ng WellMed na si Bryan Christopher Sy.

At dating kaklase naman ni Duque ang tatay ni Bryan sa UST.

READ MORE: Duterte to Medical Frontliners: Mag Soul Searching Kayo. Walang Kasalanan si Duque.