MANILA, Philippines – “Para kaming mga asong tinataboy!”
Ito ang ilan sa mga pahayag ng mga Locally-Stranded Individuals (LSI) na nasa Rizal Stadium nang bigla silang palayasin kaninang umaga.
Ayon sa report ng ABS-CBN, inutos ng management sa mga gwardiya na paalisin na ang mga LSI sa nasabing stadium.
READ MORE: Duterte to Medical Frontliners: Mag Soul Searching Kayo. Walang Kasalanan si Duque.
FLASH REPORT: Pinapaalis na ng mga security guard ang mga stranded na pasaherong nananatili sa labas ng Rizal Memorial Stadium sa Maynila na umaasang makakauwi sa kani-kanilang mga probinsiya | ulat ni @jekkipascual #COVID19quarantine pic.twitter.com/y3ko06khOg
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) August 3, 2020
Ikinagulat naman ito ng mga LSI. Iginiit nila na hindi sila makakaalis dahil wala silang mapupuntahan. Humingi sila ng palugit na ilang oras para isipin kung saan sila pupunta.
Dun kayo sa center island
Matapos paalisin sa bubong ng Rizal Stadium, sa center island muna ng kalsada pumunta ang mga LSI.
Nang dumating ang media, sinabi ng gobyerno na nakikipag-coordinate pa lang sila sa mga ahensya kung sino ang pwede kumupkop sa mga LSI.
Matatandaan na nangako ang pamahalaan na iuuwi nila sa kanya-kanyang mga probinsya ang mga LSI.
READ MORE: BIR, Binura ang Provision na Sumisingil ng Withholding Tax sa mga POGO Chinese
Palpak na handling
Ngunit naging issue ito dahil sa palpak na pagimplement ng Administrasyong Duterte.
Isiniksik nila ang libo-libong LSI sa Rizal Stadium kahit na delikado dahil sa COVID-19 virus.
Tulad nga ng babala ng mga eksperto, nagkaroon ng hawaan sa stadium.
48 na LSI agad ang nagpositibo sa COVID-19.
READ MORE: Mga Ospital, Sa Private Donations Pa Rin Umaasa. Trilyong Pondo ni Duterte, Hindi Ramdam.