BEIJING, China – Todo pangako ang China ngayon na sila ang mauuna na makapaglabas ng COVID-19 vaccine.
Ayon sa report ng Wuhan Institute of Biological Products, malapit na nila madiskubre ang vaccine laban sa COVID-19.
Pati si Pangulong Duterte, dito lang umaasa. Sa kanyang recent address to the nation, sinabi nya na pinangakuan sya ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin na Pilipinas ang isa sa mauunang tuturukan ng vaccine ng China.
Gagawing Guinea Pigs ang mga Pinoy?
READ MORE: PANALO NA! Pilipinas, Number 1 sa Pinakamabilis na Pagkalat ng COVID sa Buong Western Pacific
Ngunit ang Wuhan Institute of Biological Products ay isa sa mga kumpanyang sangkot sa paggawa ng mga fake at expired vaccines noong 2018.
Lumalabas sa report na ang Wuhan Institute of Biological Products din ang nagproduce ng 400,520 substandard vaccines na nirecall noong 2018.
READ MORE: 15 Anyos na Dalagita, Ginahasa ng 2 Pulis. Binaril Matapos Magreklamo.
Sila din ay kapartner ng Changsheng Bio-Technology Company.
Ang Changsheng Bio-Technology Company ay ang pangalawa sa pinakamalaking pharma company ng China. Nahuli silang gumagawa ng fake anti-rabies vaccine na ang karamihan ay itinurok sa mga bata.
Ayon sa nakalap na mga ebidensiya ng mga inspectors, upang makalusot, pineke din umano ng nasabing kumpanya ang mga production at product inspection records.
READ MORE: PART 1: Pharma Companies ng China, Nahuling Gumagawa ng Fake at Expired Vaccines