BEIJING, China – Ayon sa mga eksperto, ang pangunguna sa paggawa ng vaccine laban sa Corona Virus ay ang tanging pag-asa ng China upang mabawasan ang galit ng mundo sa kanila dahil sa pagpapakalat nila ng nasabing virus sa mundo.
Ngunit pati ang vaccine production ngayon sa China ay naging kwestiyonable.
READ MORE: BIR, Binura ang Provision na Sumisingil ng Withholding Tax sa mga POGO Chinese
Fake na, Expired Pa
Muling lumabas ang mga iskandalo ng mga pinakamalalaking Pharmaceutical Companies ng China kung saan nahuli at napatunayan silang gumagawa ng mga pekeng vaccines. Ang iba pa sa kanila ay nabistong gumagamit ng expired na mga kasangkapan sa kanilang mga gamot.
READ MORE: Mga Ospital, Sa Private Donations Pa Rin Umaasa. Trilyong Pondo ni Duterte, Hindi Ramdam.
Ang Changsheng Bio-Technology Company at ang Fake Vaccine na Itinurok sa mga Bata
Ang Changsheng Bio-Technology Company ay ang pangalawa sa pinakamalaking pharma company ng China. Nahuli silang gumagawa ng fake anti-rabies vaccine na ang karamihan ay itinurok sa mga bata.
Ayon sa nakalap na mga ebidensiya ng mga inspectors, upang makalusot, pineke din umano ng nasabing kumpanya ang mga production at product inspection records.
READ MORE: VP Leni, Isinusulong ang Tax Incentives at Stimulus Package Para Makabangon ang mga Negosyo
Matapos mahuli ay pinagbayad ng Chinese Government ang nasabing kumpanya ng multa.
Ngunit may isang kapartner sa kalokohan ang Changsheng Bio-Technology Company na patuloy na gumagawa ng vaccine. Katunayan, ito ang nangunguna ngayon sa development ng COVID-19 vaccine ng China.
Abangan ang PART 2.