MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang bill na nagpapataw ng 12% VAT sa mga digital transactions sa bansa. Sakop nito ang Netflix, Lazada, Shopee at iba pa.
Sinabi din sa panukalang batas na maaaring ipasa ng mga kumpanya ang karagdagang buwis sa mga bumibiling Pilipino.
Ibig sabihin, nakatayang magtaasan ang presyo ng mga produkto at serbisyong ito.
READ MORE: Mga Ospital, Sa Private Donations Pa Rin Umaasa. Trilyong Pondo ni Duterte, Hindi Ramdam.
Pero ang POGO…
Sa kabila nito, niluwagan naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagbabayad ng buwis ng mga Philippine offshore gaming operators (POGOs).
Matatandaan na nagissue ng Revenue Memorandum Circular 46 and 64-2020 ang BIR noong May 2020 na nagsasaad ng mga conditions at documentary requirements para makapag-operate ang mga POGO.
Ngunit nagkaroon ng revisions sa nasabing memo.
Hindi na sisingilin ang mga hindi nabayarang taxes ng POGO?
Ayon sa original memo, obligado ang mga POGO na magbayad ng tax arrears for “prior years”. Ibig sabihin, kailangan bayaran ng mga POGO ang lahat ng taxes na hindi nila binayaran sa ilang taong nagooperate sila.
Ngunit sa revised memo ng BIR, binura ang salitang “prior years”.
READ MORE: Apat na Taon Matapos Ipangako, Bank Accounts ni Duterte, Ayaw Pa Din Ipakita.
Pati provision ng Final Withholding Tax ng mga Chinese Workers, tinanggal
Ayon sa naunang memo, sinasabi na bago makapag operate, dapat nakapagbayad na ang mga POGO sa gobyerno ng lahat ng taxes simula January hanggang April 2020 KASAMA ang 25% Final Withholding Tax (FWT) ng kanilang foreign employees na karamihan o halos lahat ay Chinese.
Ngunit sa revised memo, tinanggal nila ang probisyon na sumisingil sa 25% Final Withholding Tax (FWT) ng mga Chinese.
READ MORE: Fishball, Kwek-kwek, Gusto Buwisan ng Gobyerno. Tax ng Malalaking Kumpanya, Binabaan.