MARAWI, Philippines – “NaDuterte ang Marawi!”
Imbis na madaliin, pinahirapan pa umano ang mga residente ng Marawi sa pagkuha ng ayuda. Napakadaming dokumento ang kailangan ipakita para sa kakarampot na makukuha. Ito ay kahit na may kapangyarihan ang Pangulo na bilisan ang proseso dahil sa pagdedeklara nya ng Martial Law sa Mindanao.
READ MORE: Fishball, Kwek-kwek, Gusto Buwisan ng Gobyerno. Tax ng Malalaking Kumpanya, Binabaan.
Bago makakuha ang mga residente ng Marawi ng ayuda para sa mga nasugatan, kailangan muna nila magbigay ng mga dokumentong ito:
- Incident report mula sa Pulis
- Medical certificate mula sa Ospital kung saan naconfine ang biktima na hindi bababa sa tatlong araw
- Endorsement mula sa local disaster official
Para naman makakuha ng ayuda para sa mga namatayan, kailangan nila isumite ang mga dokumentong ito:
- Incident report mula sa Pulis
- Medical certificate mula sa Ospital kung saan naconfine ang biktima na hindi bababa sa tatlong araw
- Endorsement mula sa local disaster official
- Barangay Certificate
- Death Certificate
- Proof of relationship sa namatay
Ito ay para makatanggap ng kakarampot na P10,000 ang mga namatayan at P5,000 para sa mga nasugatan.
1 Year Claims Period. Isa lang ang nabigyan.
Ayon sa COA, may regulation na pwede lang magclaim ng assistance mula sa donated funds within 1 year.
Ayon din sa report ng COA, dahil sa hirap ng mga requirements, isa lang ang nabigyan ng ayuda na P10,000 mula sa P36.92 Million na donasyon.