AUCKLAND, New Zealand – Agad na nagresign ang New Zealand Health Minister na si David Clark matapos maging issue ang pagdala nya sa kanyang pamilya sa beach kahit na may lockdown.
Sinabi ni Clark na nakakadistract ang kanyang issue sa overall response ng Gobyerno ng NZ sa coronavirus kaya sya nagbitiw.
Meanwhile in PH…
Sa Pilipinas naman, patuloy pa din ang pagdepensa ni Roque sa kanyang pagpunta sa isang resort sa Subic upang lumangoy kasama ang mga dolphins. Isa daw ito sa kanyang mga bucketlist.
READ MORE: Roque, Nagswimming sa Subic sa Kabila ng COVID
Ayon kay Roque, wala daw violation na nangyari sapagkat inasikaso lamang umano nya ang kanyang mga negosyo sa Bataan at dumaan lamang sya sa Subic.
Sa kabila nito, maraming ordinaryong Pilipino ang nahuli at nakulong dahil sa paglabas sa kanilang bahay. Karamihan sa kanila ay napilitang lumabas upang maghanap ng makakaain.
READ MORE: PANALO NA! Pilipinas, Number 1 sa Pinakamabilis na Pagkalat ng COVID sa Buong Western Pacific