fbpx

987B USD deposit ng pamilyang Marcos, totoo nga ba?

Isang lumang  video ng panayam kay Imelda Marcos ang nabuhay at umiikot muli sa iba’t ibang  social media account.

 Ayon sa video ipinakikita ng dating first lady ang kanyang mga ari-arian sa isang BBC reporter tulad ng mga painting at iba pang koleksyon  na nagkakahalaga ng milyong piso.

Bukod dito, laman din ng usap-usapan ang pagbanggit ng 987 Bilyong dolyar nang silipin ng reporter ang treasury deposit certificate na noo’y hawak ni Imelda sa video.

Sa katunayan, convicted ang pamilyang Marcos dahil sa mga pagnanakaw nila sa kaban ng bayan na umabot sa 400 bilyong piso o 10 billion US dollar kung susumahin. Hindi man malinaw kung tunay ang nasabing deposit sa isang bangko sa Brussels,Belgium, hindi naman maikakaila ang mga pagnanakaw na ginawa ng mga Marcos mula noon hanggang sa kasalukuyan.

Mahigit 174 bilyong piso ang nabawi na ng Presidential Commission on Good Governance mula sa Marcoses at 125.9 bilyon naman ang natitira pa sa kanilang pag-aari.