“Hindi na maitatago ng propaganda” – yan ang sentimiyento ng ilang political analyst ukol sa problemang kinakaharap ng probinsya ng Camarines Sur.
Nagtala ng pinakamataas na poverty incidents ang CamSur sa buong Bicol Region, dahilan upang masungkit nito ang top place bilang pinaka mahirap na probinsya ng Bicol!
Camarines Sur is very rich in natural resources but very poor in politicians…
Kung titingnan mabuti, isa ang Camarines Sur sa pinakamayaman kung natural resources lamang ang pagbabatayan. Ngunit palaisipan bakit ito na ngayon ang pinakamahirap na probinsya.
O palaisipan nga ba?
Ayon sa mga political analysts, malaki ang naging epekto ng paghahari ng iisang pamilya sa naturang probinsya. Ang Camarines Sur ay ay pinaghaharian ng pamilya Villafuerte simula pa noong 1980’s. Malapit nang mag 40 years nang walang palya sila sa pwesto.
Nagsimula sa lolo, anak, unang apo at ngayon ay ang pangalawang apo na.
Villafuerte Politics encapsulates everything that is wrong in Philippine Politics
Propaganda plus vote-buying is the name of the game. Tinagurian ang Camarines Sur bilang isa sa tarpaulin capital of the Philippines. Ayon sa mga lokals, konting utot lang ng isa sa mga Villafuerte ay naka tarpaulin agad. Ultimong mga awards ay binibili umano nila para lang may mailagay sa tarpaulin.
Pati noong pandemic, pati faceshield, hindi pinatawad.
And there is Yassi Pressman…
Chismis lang ito ha. Pero ayon sa ilang mga sources, unang inoffer si Yassi Pressman ng kanyang manager bilang girlfriend for hire sa isang binatang pulitiko na tumatakbo sa Malabon ngunit tinanggihan daw dahil masyadong mahal.
Fast forward, bigla syang napunta sa CamSur at inibig ang batang Governor na walking redflag.
Mukhang win-win naman. Sumikat si Luigi Villafuerte sa national dahil sa “supsop incident” at mukhang kumportable na ang buhay ni Yassi.
At least, nabibili na ni Yassi ang mga gusto nya ngayon BECAUSE, WHY NOT?
The counter-thesis of Naga City
Nawala sa kontrol ng mga Villafuerte ang Naga City nang manalong Mayor ang namayapang si Jesse Robredo.
Simula nang nawala ito sa kanilang kontrol, naging isa sa pinaka progresibong siyudad ang Naga City sa buong Pilipinas. Ito din ang nanguna sa mga sistema ng Good Governance.
Kahit sinong manok pa ng Villafuerte ay hindi na nananalo sa Naga City. Kaya naman hanggang ngayon ay patuloy ang pagarangkada ng Naga City.
The BIG question…
Ang tanong ngayon, kung mawawala din ba sa kontrol ng mga Villafuerte ang Camarines Sur, posible kaya na umarangkada din ito?