23B Estate Taxes ng Pamilyang Marcos, Final at Executory

23B Estate Taxes ng Pamilyang Marcos, Final at Executory

Kaugnay ng demand letter na isinumite ng BIR sa pamilyang Marcos noong nakaraang taon,pinatutunayan ng Supreme Court Entry of Judgment  GR 120880 ang pinal na kautusan ng korte suprema na pagbayarin ng 23 B estate taxes ang mga Marcos. Ito ay pinagtibay noong Marso 9,1999.

Sa kasalukuyan pumatong na sa 203B piso ang estate taxes ng mga Marcos dahil sa mga penalty at surcharge bunga ng hindi pagbabayad ng angkan.

Iginiit naman ni Atty. George Briones, Partido Federal General Counsel na ang patong na 180B penalty at surcharges ay hindi pa maituturing na pinal.

“Yung sinasabi nilang finality, ang final diyan yung assessment ng (What was being referred to as a decision with finality is the assessment on the) ₱23 billion,” paliwanag ni Briones.

“Pero kung pagmamasdan mo ang balita ngayon, parang ang sinasabi na yata eh ang ₱23 billion naging ₱203 billion na so nadagdagan na po ng ₱180 billion.Karamihan po nyan, penalties at surcharges na kapag na-late lang tayo sa income tax natin ang laki-laki na po eh. Mahigit 50% ang penalties at surcharges,” dagdag pa niya.

Ayon naman sa dating BIR commissioner Kim Henares, ang kahit sinong tagapagmana ng ari-arian ay kailangan magbayad ng kaukulang buwis ayon sa Tax code.

“Kung kayo ay may kinita, mayroon kayong ari-arian o kaya ay may hawak kayong kalakal — nakuha niyo ang mga ito sa pamamaraang legal o illegal — kayo po ang mananagot sa buwis na ipinapataw sa Tax Code,” sabi ng dating komisyoner.

Samantalang nanawagan naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa BIR na kolektahin na ang mga dapat kolektahing buwis.