fbpx

2 Months Pa Lang! Death Toll ng nCoV, Mas Madami na Kesa sa SARS

Umabot na sa 813 na tao ang reported na namatay dahil sa nCoV. Mas marami na ito sa mga namatay dahil sa SARS na nanggaling din sa China noong taong 2002.

Image result for china ncov death streets

Ayon sa World Health Organization, 774 ang namatay sa SARS noon. At inabot ito ng 8 months.

Nasa pangalawang buwan pa lang tayo ng nCoV.

Image result for china ncov death streets

Sa China pa lang, umabot na sa 37,198 ang reported na kaso ng nCoV sa loob ng dalawang buwan matapos itong madetect sa Wuhan noong Disyembre.

Ang problema ay wala pang reported na lunas ang nagagawa para sa nasabing virus. Consistent ang pagkalat ng virus sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Patuloy na pagpasok ng mga Mainland Chinese sa Pilipinas

Sa kabila nito, patuloy pa din ang pagpapapasok nila ng direct flights galing China sa bansa.

Ayon kay Annabelle Yumang, DOH Regional Director ng Southern Mindanao, ang tanging may mandatory 14-day quarantine lang ay ang mga nagpakita ng sintomas pagdating sa airport.

No Symptoms, No Quarantine

Ayon sa Center for Disease Control and Prevention, ang nCoV ay may 2-14 days incubation period.

Ibig sabihin, posible na dumating sa bansa ang isang infected Chinese na walang sintomas. Makakalibot at makakahawa pa sya sa loob ng 14 days bago malaman na sya ay may nCoV.

Sa puntong ito, huli na ang lahat. Hindi na malalaman kung ilan at sino ang kanyang mga nahawaan.

READ MORE: https://bit.ly/2tIPzKe