fbpx

15 Anyos na Dalagita, Ginahasa ng 2 Pulis. Binaril Matapos Magreklamo.

ILOCOS SUR, Philippines – Matapos mag-file ng rape case laban sa dalawang pulis na nanggahasa sa kanya, pinagbabaril hanggang mamatay ang 15 anyos na dalagita sa Barangay Daclapan, Cabugao, Ilocos Sur noong Huwebes.

READ MORE: PANALO NA! Pilipinas, Number 1 sa Pinakamabilis na Pagkalat ng COVID sa Buong Western Pacific

Nakaangkas umano ang dalagita kasama at isa nyang pinsan sa kanyang tito nang tambangan sila ng riding-in-tandem na suspects mga 6:30 ng gabi.

Ilang beses umano pinagbabaril ang dalagita na dineklarang dead on arrival sa ospital na pinagdalhan sa kanya.

READ MORE: INIWAN LANG: 14 na Mangingisdang Pinoy, Nawawala Matapos Salpukin ng Barko ng China sa Mindoro

Ayaw bigyan ng police escort

Ayon sa viral na Facebook post, nanghingi umano ng police escort ang dalagita pauwi sa kanila sapagkat natatakot ito dahil mga pulis ang kanyang inireklamo.

READ MORE: Roque, Nagswimming sa Subic sa Kabila ng COVID

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=838542353343702&set=a.414707512393857&type=3

Tumanggi umano ang PNP na bigyan sya ng pulis escort. Pagkauwi nila mula sa Police station, dun na sila tinambangan.