fbpx

140k Attendees sa UNITEAM Grand Rally, Hindi Totoo

Pinabulaanan ng PNP Cavite ang pagdeklara ni governor Jonvic Remulla sa 140,000 kataong dumalo sa  UNITEAM  campaign rally noong martes, Marso 22. Sinabi ng PNP na nasa 80,000 lamang ang estimate crowd sa ginanap na rally.

Ang sports complex ay ginamit din ng partido ni Robredo noong Marso 4 at nagtaya ng mahigit kumulang 47,000 attendees.

“We have a 100,000 here and another 40,000 outside,” ito ang pahayag ni Remulla. 

Hindi ito tumugma sa sinabi ni congressman Boying Remulla, kanyang kapatid noong Marso 7 kung saan binatikos nito ang grand rally ni Robredo.Sa kanyang panayam sa ANC iginiit ni Remulla na imposibleng umabot ng 47,000 ang crowd sa complex dahil 17,000 lamang umano ang kasya dito

Ang pahayag na ito ni gov. Jonvic Remulla ay mali at hindi tumutugma sa aktwal na capacity ng sports complex.