MANILA, Philippines — Inamin ng Department of Health na umabot sa 10,000 na mga doses ng COVID vaccine ang nasayang simula noong nagsimula ang pagbabakuna sa Pilipinas.
“To date, we have about 10,000 doses already registered as wastage, ”pagsisiwalat ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje
Aniya ang sanhi ng insidente ang tinatawag na “temperature excursion.”
“Ibig sabihin, ang mga bakuna…’yung mga frozen vaccines ay na-thaw after a certain period. There’s another [incident] ‘yung hindi na-plug nung bumalik ang kuryente. These are what we call temperature excursions,” anang opisyal.
“Sa ibang areas naman, may mga nabasag, walang label, may mga nahulog,” dagdag pa nito
Paliwanag pa ni Vergeire, karamihan sa bilang ng COVID-19 vaccines na nasayang ay mula sa mga “breaches” o hindi pagpapatupad nang maayos sa logistics protocols na nakatakda sa mga gamot.
Matatandaang sinabi ni Cabotaje na nangyari ang pinakamalalking vaccine wastage sa storage facility ng isang major vaccination site sa Filinvest Muntinlupa.
Aniya, nagbago raw kasi ang temperatura sa pasilidad dahil sa maling pag-asikaso ng pamahalaang lungsod at vaccine safety officers.
Mayroon ring insidente na muntikang mapanis ang nasa 1,600 doses ng COVID-19 vaccines matapos nitong lumubog sa tubig kasama ng bangkang nagde-deliver sana ng suplay sa dalawang bayan ng Quezon province.
Gayunpaman, nakuha ito ng Philippine Coast Guard at hindi naman napinsala.
READ MORE: https://bantaynakaw.com/bong-go-senador-ba-o-alalay-ng-pangulo/