Mahigit sa 29 milyong dolyar o mahigit 1.5 bilyon na ang nabawi ng gobyerno mula sa Swiss accounts ni dating diktador Ferdinand Marcos Sr. at patuloy pa rin ang paghahanap sa mga nakaw na yaman ng mga ito hanggang sa ngayon.
Ayon kay Andre Bautista, chairman ng Presidential Commission on Good Government, ang nasabing halaga ay bahagi ng $712 billion o 37 billion pesos na nadiskubreng naka-freeze sa isang Swiss bank account ni Marcos.
Ang nadiskubreng nakaw na yaman ay nabawi ng gobyerno matapos ang ilang taon na litigasyon sa Singapore bunga na rin ng mga hinaing ng mga biktima noong panahon ng Martial law.
Sa kasalukuyan, nasa kamay na ng gobyerno ang may 171 bilyong piso mula sa mahigit 400 bilyon na ill-gotten wealth. Habang mayroon namang 25 bilyon ang hindi pa rin malaman kung nasaan.
Sa kabila ng mga kasong naisampa sa pamilya at ang iba’y nakabinbin pa sa korte, malaya pa ring nanunungkulan ang pamilya sa iba’t ibang pwesto sa gobyerno at ngayon nga’y sa pamamagitan ni Bongbong Marcos Jr., umaasa ang pamilya na muling makakabalik sa Malacanang.