BATANGAS, PHILIPPINES – Kung sa paga-alburoto lang, mas madalas gawin ito ng Bulkang Mayon sa Bicol Region. Kaya naman in terms of disaster response sa pagsabog ng bulkan, halos kabisado na ito ng mga taga Bikol.
Kaya naman hindi nakakapagtaka na alam na alam ni VP Leni kung paano ang dapat na mga galaw nang biglaang sumabog ang Bulkang Mayon noong nakaraang Linggo, Enero 12, 2020.
Ngunit paano nga ba nakatulong agad si VP Leni? Alam naman ng lahat na ang Office of the Vice President ang isa sa may pinakamababang budget na ahensya ng gobyerno.
Simple lang.
Hindi pa man nakakarating sa Quezon City ang “ash fall”, nakapagtawag na si VP Leni sa mga partners ng Angat Buhay, isa sa mga flagship programs ng Office of the Vice President. Nagplano na sila agad kung paano ba ang initial response na dapat gawin in terms of the immediate needs.
Nang mailatag na ang initial plans, kanya-kanya nang bigay ng suporta ang mga partners na karamihan ay mula sa private sector.
Wala pang bente-kwatro oras matapos sumabog ang Bulkang Taal, nakapag set-up na agad ng drop-off and repacking center ang Office of the Vice President. Dinagsa ito ng volunteers na magdamag na nagrepack ng relief goods.
Katuwang naman ang local government units ng Batangas sa pagbibigay ng listahan ng mga apektadong pamilya at kanilang mga immediate needs.
Madaling araw pa lang ng January 14, 2019, sinundo na ang mga trucks na pinadala ng mga partners ang mga relief goods para dalhin sa mga designated relief centers.
Bago magtungo sa mga nasalanta, binigyan ng briefing si VP Leni ng Militar ukol sa extent ng damage ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Matapos nito ay sinuyod ni VP Leni ang mga relief centers sa Batangas.
Tuwang-tuwang sinalubong ng mga evacuees si VP Leni. Ayon sa kanila, hindi nila inaasahan na may mataas na opisyal ng gobyerno ang makakapansin sa kanila. Akala nila, kanya-kanya na dahil wala daw tumulong sa kanilang national government noong sila ay lumikas.
Sa pakikipagkwentuhan ni VP Leni sa mga evacuees, nalaman nya na maliban sa mga pagkain at tubig, kailangan din ng mga evacuees ng mga kumot, mahihigaan at hygiene kits. Agad naman itong pinagbigay alam ni VP Leni sa Angat Buhay team na kasalukuyang nangangalap ng nasabing items.
Nanghingi din ng tulong ang mga evacuees para sa kanilang mga naiwan na hayop. Sinabi ni VP Leni na makikipag-coordinate ang kanyang opisina sa coast guard upang payagang mapuntahan ng team ang mga hayop na naiwan. Nangako naman si Batangas Vice Governor Leviste na sila na ang bahala sa lupa na gagawing pansamantalang evacuation center ng mga hayop.
Hindi pa tapos ang laban. Ayon nga kay VP Leni, ang mahirap sa nagaaburotong bulkan ay hindi mo alam kung kailan ito matatapos.
Kaya naman patuloy ang pagkalap ng mga tulong ng Office of the Vice President.
Walang imposible kung tayo ay magtutulungan. Ilang beses na natin itong napatunayan bilang isang lahi. Ang mga pangyayaring tulad nito ay nagsisilbing pagpapa-alala lang sa kung ano ang nagawa natin dati at kung ano pa ang kaya nating gawin.
Comments
Comments are closed.
Yan ang dapat presidente!